Sunday, November 16, 2008

Thursday, September 28, 2006

The Ancestral Domain of Dumagat Tribe in Dibut








Tuesday, September 26, 2006

LIST OF SETTLEMENTS AND TRIBAL CHIEFTAINS IN AURORA







Monday, September 18, 2006

Katutubo ng Aurora


















Wednesday, August 30, 2006

Araw ng Katutubo

Ang araw ng Katutubo ay ginanap sa Brgy. Diteki, San Luis, Aurora na dinaluhan ng mga katutubo mula sa Bayan ng Casiguran, Dipaculao at San Luis.


Sunday, August 27, 2006

IP's scholars



...............................with Mrs. Fe V. Oliva, NCIP Provincial Director and the R-3 NCIP Staff

Katutubong Sayaw.....

Isang handog ng katutubong sayaw ang ipinakita ng mga katutubong Igorot ng Brgy. Reserva bilang isang bahagi ng programa sa Baler Town Fiesta (August 19, 2006).






Katutubong Pamayanan

Ang Katutubong Pamayanang Kultural ay tumutukoy sa isang pangkat ng mga tao o magkakauring mga lipunan na nakikita sa sariling pagpapatunay o pagpapatunay ng iba, na tuloy-tuloy na namuhay bilang organisadong pamayanan sa isang tukoy at kumunal na teritoryo, na mula pa sa panahong hanggang abot ng ala-ala ay magmamay-ari, o umaangkin, namumuhay at naninirahan sa naturang mga teritoryo, nabubuklod ng sariling wika, mga kaugalian, salindugong/tradisyon at iba pang mga natatanging katangiang pangkalinangan, o mga pamayanang dahil sa pagtutol sa pampulitika, panlipunan at pangkalinangang panghihimasok at pananakop ng mga dayuhan ay makasaysayang naging bukod o iba sa nakararaming Pilipino. Kabilang sa mga Katutubong Pamayanang Kultural/Katututbong Pamayanan ay yaong mga tao na itinuring na katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga ninuno na naninirahan sa bansa nang una pa sa panahon ng paglupig o pananakop o sa panahon ng pagtatatag ng hindi katutubong mga relihiyon at kultura, o nang una pa sa panahon ng pagtatatag ng mga kasalukuyang mga hangganan ng estado, na nakapagpapanatili ng ilan o lahat ng kanilang sariling panlipunan, pangkabuhayan, pangkultura at pampulitikang mga linangan/institusyon, na maaring napaalis na sa kanilang mga tradisyunal na lupain o kaya'y namumuhay na sa labas ng kanilang lupaing ninuno.

Tuesday, August 22, 2006

Ang mga Katutubo

Sa kasaysayan ng mga katutubo, maraming kaluluwa ng kanilang ninuno ang lumisan na kasama ang di mapigilang pagnanasa ng ilang katutubo na sumasailalim sa banyagang kultura. Ang kaunlaran ay nagiging napakadakilang daan tungo sa isang destinasyon na walang katiyakan ng pagbabalik-tanaw at nangangahulugan ng malabong pakikipaglaban. Bakit mas pinipili ng mga katutubo ang magsuot ng kadamitang sumasailalim sa pamana ng mga ninuno ng ibang kultura? Ang pananamit ay isa lamang sa mga paraan ng pagpapahayag ng pakikibaka. Malamang sa hindi na mas maraming paraan ng pagpapahayag ang mas naipapakita ng mga katutubo maging sa sariling lupaing sinilangan nila. Mailalarawan ang ganitong kalagayan bilang kabalintunaan ng buhay-katutubo. Ngunit ito ang mga katutubo sa kasalukuyan.
Mahirap ilarawan ang tunay at walang bahid na katutubo nang di lumilingon sa nakaraan: ang Katutubo noon. Sa tinatawag na "modernong sibilisasyon" na siyang nag-alok tungo sa mga siyudad na kung saan matatagpuan ang "makabagong paraan ng pamumuhay". Iyon ang panahon nang mga katutubo ay mataman pang nagtatamasa ng kanilang kadalisayan, pagkakaisa at dignidad.
Ang suma total ng bawat nabubuhay na pagnanasa na makilala bilang respetadong komunidad ay ang kalinawan ng pagkakakilanlan. Ang pagkakakilanlan, bilang espesyal na tampok ng pamumuhay, ay nararapat ugatin sa kultura. Kung hindi, ito ay mangingibabaw na walang laman at mag-uurong-sulong sa iba pang pagkakakilanlan, na katumbas na rin ang kawalan. Ang kultura ay siya mismong pagkakakilanlan na naninindigan nang may kaluwalhatian at pagpapahalaga, na sinaplutan ng di mapapantayang sining ng pagiging kakaiba.
Ang mga Katutubo ay may sariling pagkakakilanlan na namumukod-tangi pagkat sila ay pino ng buhay at kagandahan. Lalo pa itong pinagliliwanag ng kanilang kakaibang paraan ng pagharap sa buhay at ng pagdiriwang nito.
Para sa mga Katutubo, ang buhay ay isang aginaldo. Ang harapin ito ay ang pagiging responsable sa mga kabutihan na idinudulot nito, sa mga hamon nito at, maaari rin, sa mga kalabuan nito. Hindi ito isang monopolyo ng mga paghihirap. Hindi rin ito purong pagdiriwang. Sa bawat pakikipaglaban ay may tagumpay na dapat ipanalo at kung gayon ay nararapat ipagdiwang. Sa lupain ng kasaganaan, ang buhay ay bumubukas at nagsasara. Nag-uumpisa ito sa sinapupunan at nagwawakas sa libingan-ang buhay sa kabuuang pag-inog nito. Napakahalaga ng buhay kung kaya't ang pagdating nito ay masayang ibinabadya at ang pagpanaw nito ay maagumay na binibiyayaan.